Wednesday, March 14, 2012

Nakaamoy Laang ng Usok ng Tambutso, Sawit na Agad?

Ang mga Ala Eh, iba talaga ang tunog, kahit foreigner, pansin yaan.


Banday ka na sa mga taga Maynila kung magsalita ay laging may lambing sa dulo, ikanga. 


Ay sa Batangas naman,di ga kabayan, lalo na nuong kailan, walaaaaaaang kalambing-lambing kahit na sa umpisa, sa gitna at sa dulo ng pagsasalita, mababae, malalaki. Laging hiyawang-hiyawan. Tatawagan ka, pahiyaw : " Hoooooooooy!!"   Sasagot ka, pahiyaw din, "Anuga!?"  Laging napapagkamal-an ng taga Maynila na nagbabang-ayan dahil parang mga bingi kung magpulong, kainamang makahiyaw ay magkaharap naman. 


Sa atin, baligtad. Pag hiyawang hiyawan, ang ibig sabihin close kayo. Paglakas ng hiyaw at pagmay kasama pang murahan, mas close pa kayo.


Pero, pag medyo malumanay ang pag uusap at ika nga'y di makabasag plato, ang ibig sabihin ay hindi kayo gasinong close. 


Pag ika'y malambing magsalita, at medyo ika'y napa "di ba?" , ay nako, ay yari ka na. Noon, ang tawag sa taga Batangas na pa "di ba?, di ba?" ay nausukan lamang ng usok ng tambutso o ng BTCo (ang nawalang Batangas Tayabas Laguna Bus Co), ang kaisa-isang kumpanya ng bus na nabyahe ng Batangas-Lawton/Cubao. Sawit ang tawag sa ganyan. Nausukan ng tambutso.


Ngay-on, karaniwan na ang mga sawit sa Batangas sa dinami-dami na ng mga taga ibang lugar na piniling dito na tumira. Hindi na pinapansing gasino ang mga sawit ngay-on dito. 


Hindi na alam ng marami ang BTCo dahil marami nang iba't ibang bus na nabyahe hindi lamang Batangas-Maynila kundi sa iba't ibang parte na ng bansa.
Bukod sa bus ay may mga van pa at sangkatuuuuuuuuuutak na jeep at tricycle.
Kanya nga, hindi na nakakapagtaka na maraming sawit ngay-on dine sa atin. 


Ay minamaano mo kung gaano karaming usok ng tambutso ang araw araw na maaamoy ng mga tao dine? Ay maski batang bagong panganak pa laang, sawit na agad kung umuha!


Yaan naman ay galawan laang dine sa Ala Eh country. 


Ngunit,datapwat,subalit ang usok ng tambutso ay hindi maaaring daanin lamang sa galawan. 



Ngay-on, dapat ay alam natin na hindi basta masasawit laang ang makakaamoy ng usok ng tambutso. Bukod sa masamang epekto nito sa tao ay may masamang epekto ang mga usok na ito sa ating mundo. Isa ito sa mga nagiging dahilan ng Climate Change na ating pinagpupulungan sa blog na ito.


Sabi daw dito sa article na ito:
http://emb.gov.ph/news/1news2011/11/newsrelease_ECA-ASBU-Dec9.pdf 


Lilingilin na raw pala  ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kampanya laban sa smoke-belchers.  Noong Dec 09,2011 nagkasundo na ang DENR,Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC),Metro Manila Development Authority (MMDA), mayors ng Metro Manila,Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), and the Philippine Medical Association (PMA) ukol sa usaping ito.



Ay mainam naman kung gay-on.



Kabayan, maiba ako, itong bagang aking guro ay mataluti laang, ang gusto daw ay makita ang mga kumento ninyo dito. Marami sa mga nakakabasa ay nagme-message laang sa akin. Maaari gang diyan sa pababang yaan ninyo ilagay ang comments ninyo. Pwede naman ang anonymous na comment ih. 


Sa ngay-on ay may mahigit na 700 na akong views dito sa site ko galing sa iba't ibang bansa.  Maraming salamat sa inyo ha? Nag message na nga sa akin ang Philippine Science Centrum ih, napansin na are. Ay kasaya! (Ibig sabihi'y naintindihan nila areng blog ko?....ay di itong mga ito'y Ala Eh din?)


Marami pa kayong malalaman na ginagawa ng ating pamahalaan para maprotektahan ang ating kapaligiran at maapula ang climate change. 
Usisain na laang ninyo dine:  http://emb.gov.ph/ 




Maraming salamat ulit mga kabayan...sa uulitin ha?


Medyo medyo abala laang ngay-on dine sa atin, hindi gasinong maatupag ang pagba-blog. Pagnaisang araw na uli.

2 comments:

  1. Osang, kasaya naman nireng sinulat mo...naalala ko tuloy bigla ang CEGP...noong pare-pareho pa tayong aktibo sa pakikibaka...matagal-tagal na rin yun kaya huwag na nating pagpulungan dine at mabibisto pa ang ating edad. noong una akong mapadpad sa batangas city medyo nalito rin ako...pinanganak at lumaki ako sa QC bago kami umuwi sa Nasugbu noong 7 taon ako, pero may iba pa rin punto ang mga taga-kanluran (mula yata sa Calaca) sa halip na GA ay BA (pakopya) ang gamit, para ring sa Cavite. Pero malakas ang hatak ng puntong Batangas kaya magmula ng nag-college ako, nagkapamilya at nanigil sa Batangas City, nasanay na rin ang dila. at dahil umuli na ako ng umuli sa Maynila at Batangas, di na rin mahalata ng mga taga Maynila kung Batanggenyo ako, ika nga kung ano tugtog siyang sayaw, nakikisawit na rin (at manaka-naka Taglish pa).

    makikisaknong ako dyan sa advocacy mo...GO GREEN tayo. kaya simula noong November 1991 Ormoc landslide, kinampanya ko na ang mga karatig namin sa Nasugbu na itigil na ang pagka-kaingin (slash and burn farmin) at awa ng Diyos maramin namang nakinig at yung iba nakigaya pa sa pagtatanim ng mga puno (reforestation.

    pero marami pa tayo dapat gaw-in, yung garbage segregation di pa rin nasusunod o napapatupad ng ayos, yun iba kasi kulang pa rin sa self-discipline, isa ko pa nga tanong eh yun mga hospital waste kung saan at paano ang disposal...

    ay siya sige at medyo nagab-i na, maaga pa ako papasok bukas...alam mo naman...tayo'y mga dakilang utusan lamang...ipagpatuloy mo are at kasaknong mo ako dine.

    pag nagpakape ka, samahan mo ng suman sa lihiya at hwag kakalimutan ang latik.

    Sam nga pala are.

    ReplyDelete
  2. Naku, maraming salamat kasamang Sam..(at talagang naala ala pa din nga ang CEGP days ay sa pagsatagal nang yuon!) Sya, pagsaknungan na nga natin itong climate change na ito..salamat ulit!

    ReplyDelete