Tuesday, March 20, 2012

Anu-ano Ga Daw ang Sabe ng mga Miron? Ay Are Ga!

Ay inaku naman..anu ga nga palang riri naman ng isang mag post ng comment dine sa blogspot na are..ay kainaman na! Tinesting ko nga naman na mag post ng comment bilang isang miron laang, ay inabot na ako ng sura..

Paumanhin mga kabayan, ay sa hindi ko naman alam ih..kanya pala naman papara iilan lamang ng nakakapag kumento dine ay nuknukan naman pala kataluti ih..kung anu-ano pang hinihinging sarisari..ay sya, garine na laang ang aking ginawa. Yung mga naka pag message sa akin ng comments ay di inipon ko na laang dine..paanong gagaw-in ay napapagay-on na!


"Congrats Osang, highly recommended. You were able to translate a very technical subject to a layman's perspective. More,more,more!"  -May
                                                                                                       
"Ay kaya ngaaaaaaa.... di ga'y gay-on nga. Kanya laang ay pag lahat tayo ay ganyan ang padale ay di lalong walang magyayari! --
Kahusay gang maghalukay nareng si Osang ng mga garine, ay tuo naman nga't tunay na tunay ih na tayo'y dapat nang makisaknong, di ga? Kako nga'y para ke pang batangueno ang turing! -pwede na ga are?"  - Abie

"ay Kongrats ate Osang sa iyong blog...ka husay ih...kaaliw ih. Ate, ay bayn ga may Arabic letters? hindi ko mabasa ang iba...ang galing ng profile, tambs up ih!"  – Rep

"Nice one! Sarap basahin =) "  – gemma

"hehehe cute..pa share :D "  -  lina

"sus tawarin ano gang galing! "   -jossie

"iyang inihasik na takot ni Al Gore ay syang sya na... ;) (pero seriously, kailangan na talagang drastic measures to save planet earth...anlalim...) "  –rep

"nakakatuwa naman, talagang batanguena! saan mo nahukay ang mga napakalalim na mga tagalog na yuon? but it's nice..."  –mai

"Nice job Osang!"  -tessa

"Ala eh, kasarap ga nareng basahin. Gulong sa paghalhal e."  –neri

"Kanina pang balais dine at di malingilang magpisbuk, isa din naming hamit hehe.. pag garni ng garni eh mulay ang kikitain. Mapapagat ng asawang may dalang kampit heheh.. gandang umaga.."  –nestor

"Saknungan na!"  –lito

"Sa atin, baligtad. Pag hiyawang hiyawan, ang ibig sabihin close kayo. Paglakas ng hiyaw at pagmay kasama pang murahan, mas close pa kayo.
Pero, pag medyo malumanay ang pag uusap at ika nga'y di makabasag plato, ang ibig sabihin ay hindi kayo gasinong close.  From Ate Osang's blog"  –rep

 "more!!"  –lemon

‎"Ay sa Batangas naman,di ga kabayan, lalo na nuong kailan, walaaaaaaang kalambing-lambing kahit na sa umpisa, sa gitna at sa dulo ng pagsasalita, mababae, malalaki. Laging hiyawang-hiyawan. Tatawagan ka, pahiyaw : " Hoooooooooy!!" Sasagot ka, pahiyaw din, "Anuga!?" Laging napapagkamal-an ng taga Maynila na nagbabang-ayan dahil parang mga bingi kung magpulong, kainamang makahiyaw ay magkaharap naman. "- bwhahahahahaha!  - vang gol

"Sa atin, baligtad. Pag hiyawang hiyawan, ang ibig sabihin close kayo. Paglakas ng hiyaw at pagmay kasama pang murahan, mas close pa kayo."   - vang-gol

"utas ako eh, sadya namang di maiitago ang punto, mahahalata pihado"  –jojo  

"uu nga, dapat Magtulungan na, magtanim ng marami puno, magdala ng bay ong pag namamalengke, para maiwasan ang plastic, lalo na sa opisina,,"  -pulan

 "ala ay pamihadong wagi na ang apo ni charlene, siya na ang magiging miss "natira" sa Unibers for now (sa time na iyon), paano gay lalabing-isa na ang kontestant.- bongmac


Basa ninyo are, at mas magaling are kesa komiks. pag di ka naman napaumis, ay awa ko sa iyo ah. ala ala ko nuon eh pagluluwas, nakow ay ano gang takot lumiban sa karsada at baka maipit. Are na ulit ang blog na pagkakaribukan"   -sigfred

"saknungi areng blog na are. natututo na, tiyak na mapapaumis kuto ka pa."  - jojo

"Sinsay muna dine sa blog na are, at tunay ka namang ikay utas dine. Babala, sumangguni sa purong Batanguenyo sa mga salitang ginamit." – jojo

"ubod ng tiyaga na ipaliwanag ang tungkol sa global warming ng sa salitang kinamulatan natin, yun eh kung may makakaintindi pa, at lasahin koy ang mga alubata ngayon eh wala ng kamuis muis sa ganyan. alam laang ay humada ng humada" – jojo

"masabi mo puro pasarap sa buhay nagiiba na talaga ang panahon noong kmi noon pagbakasyon nasa gamasan hahah!" –colin

 "Anu naman baga yang padaling yan?" Adriano 

4 comments:

  1. inaayos na po ang settings ng comments para madali na laang..paumanhin.

    ReplyDelete
  2. Ayun, natumbok din! gay-on pala naman, naayos ko na ang settings ng comments..hindi na pahirapan..maaari na ang Anonymous gaya niyang isa sa itaas. (Ako rin naman yaang si Anonymous na yaan!)

    ReplyDelete
  3. kagaling naman...ayan puede na pala dine mag-type ang mga miron. a-ah, pagkakadami na pala napasaye dine sa blogsite mo...hamo at sasabihan ko ang iba pang berde ang hinlalaki (green thumb) at ng mapasaknong din dine...plano ko nga i-twit kay kuya kim sa isang araw...ay sya baka matuwa iyon dine...sige at nabulak na ata ang sinainng namin ni paolo...magpipirito pa ng hawot...kahirap ga nireng malayo sa inahin...

    ReplyDelete
  4. kuh! kasarap niyang pakana nyong yaan,kabayang sam..pag ika'y may nilabong talong na inaraw-araw at ginisang bagoong na maraming kalamyas na tuyo at sunog na bawang galing Calaca ay pihadong mananaba kayong mag-ama diyan kahit malayo sa inahin..salamat! kayo'y magpapasintabi sa kahanggan diyan at baka may sinampay at mag amoy hawot ay sya, mapapababag pa.

    ReplyDelete