Tuesday, March 6, 2012

Magyakag na Kita ng Iba pang Sasaknong!

Sa mga nauna kong blogs, napaghuntahan na natin kung ano itong Global Warming o Climate Change. Naidakdak ko na rin kung bakit painit na ng painit ang hulab ng daigdig at kung ano ang malamang na mangyari sa mga apo natin sa talampakan kung hindi tayo sasaknong para maisalba ang mundo.


Alalaon nyo naman ay kanya pa ga tayo makapag paiba ng mangyayaring yaan ay sa laki ga ng daigdig ay papara tayo-tayo laang, makakagasino naman ang ating maiisaknong diyan?


Ay kaya ngaaaaaaa.... di ga'y gay-on nga. Kanya laang ay pag lahat tayo ay ganyan ang padale ay di lalong walang magyayari! 


Yun na laang dampa ni Ka Dakuy duon sa ilaya, ay kanya pa ga nga mabuhat mag-isa ng matanda yuon para ilipat duon sa malapit lapit sa isang kapitbahay nuong mapagsolo na siya. Ay maski na siya'y magkalamay ng puro tabi, hindi niya maiitulak iyon mag-isa. Baken nuong magtawag ng sasaknong ay sang-ilan laang? Aba,nuong putaktihin ng sumasaknong, ay lasa ko nama'y kahit pa paikutin abot sa maliyo ang dampa ni Ka Dakuy! 


Gay-on din ang Global Warming. 


Ang kailangan laang ay magtawag tayo ng sasaknong. Lalo na ga sa atin sa Batangas, pag may nilagang kapeng barako at tinapay na kababayan ay katalo na! Anong sasabihin mong hindi natin kaya?
At saka hindi naman ito gaga-dampa laang ni Ka Dakuy na ililipat ng tayo, ay di ga'y lalo na! Walang di sang-ilan din naman ay may gurong-gurong, ay di ga-ulitin natin sa iba ang pulong ukol sa Global Warming. 


Are ga ang maige nating gaw-in:


(sabi daw ito sa http://www.philatelicdatabase.com/united-states/postal-service%E2%80%99s-carbon-footprint-shrinks/ )






Tingni din are at are'y ayos din:




(galing naman ito sa 
http://live-the-solution.com/wp-content/uploads/globalwarmingrecent.jpg)












Ay uu nga naman.






Ito namang site na ito ay may 12 suhestyon para tayo'y makatulong sa problema:
http://tiki.oneworld.net/global_warming/climate9.html  


1. Makimalimali sa usapin ng Global Warming.


 Wag daw tayong miron laang ki  miron! Uunga laang ki uunga...halhal laang ki halhal ay hindi naman sinusugirgir ang sinasabi. Ariin mong ito'y isang malaking tsismis at pihadong mabilis pa sa alas kwatro ang kalat sa buong baranggay. Nakoh, pihong piho yaan! 






2. Uriratin daw natin ang carbon footprints ng bawat isa.




(hiram laang sa http://www.emissionszero.com/userfiles/en-WhatIsACarbonFootprint.jpg )




Ganire naman ang sinasabi ng site na are: http://i118.photobucket.com/albums/o114/morysa/carbonfootprint.gif








3.  Wag daw alapaw laang lagi ki alapaw sa sasakyang de motor.  Pag ga naman malapit laang ay di lakarin na...kung nagmamadali ay di pumatikar! 
Maski na ga ika'y hingasing pagdating, ay anupa, nakatulong ka naman sa planeta!




4. Pag ari naman na bubuksan na laang ang bintana, ay di yae nang walang electric fan o aircon. 


5. Wag na daw mamili ng isteytsayd o yung mga produktong gawa sa malalayong lugar. Dahil daw, ang mga ito ay nagamit ng maraming gasolina sa pagdi-deliver. (Naka!! nalintikan na!..pasintabi naman, ay mariri itong isang ito.., ay pero sabi daw ih!)


6. Wag na daw lumayo sa pagbabakasyon para hindi maka kunsumo ng gasolina. Kung gustong mag outing ay di sa tapat na laang..o basta't sa malapit lapit.


7. Kung talaga daw kailangang gumamit ng sasakyang de-motor, tumakbo lamang ng mabagal at mas mababa sa speed-limit. Gumamit daw ng sasakyang diesel ang karga.  


8. Kung maaari at kaya naman gumamit ng solar energy, ay di mas maige.


9.Sa bahay na laang lagi kumain at di lagi na laang pabayan at kakain sa restawran para kaunti ang gamit ng gasolina. Gulay na laang daw hangga't maari ang kainin. (Ay sya, masusuya ka naman sa bulanglang araw araw!)


10.Reduce. Reuse. Recycle.
Ang walaaaaaang kamatayang 3R's.


11. Patayin ang mga appliances at ilaw pag hindi naman gamit.


12. Wag mo nang in-inin, ibida mo raw agad sa sanlaksa ang tungkol sa Global Warming!!! (Aba'y banday ka na sa ginagawa kong ito! )































2 comments:

  1. Ala eh, kagaganda naman ng iyong mga tinalakay dine...Matutuwa ang mga tiyo kaka natin nyan. Ang ating mga kabayan sana ay matutong mangalaga sa ating kalikasan at kapaligiran. Sabi nga kung ang mga yamudmod ay magsasama-sama eto ay magiging kapaki-pakinabang.

    ReplyDelete
  2. tumpak na tumpak ka dyan kabayang lani..wala nang mas huhusay pa sa samasamang pagkilos para sa kalikasan! salamat sa pagbisita. =)

    ReplyDelete