Monday, March 5, 2012

masama ang pakilasa.. =(

Ako'y hindi muna pakakapagpaliwanag ngay-on ha, ako laa'y masama ang pakilasa. 


Pakiwari ko'y ako'y nabati nuong tagarine sa amin na magwiwiteng. Lagi namang hikap maski kainitang kainitan ay sa lakas naman ng bati! Ay talagang igugupu ka pag hindi mo naunahang batiin. Pag ika'y naunahan, ay siya, baldado ka naman sa liyo. Hahabulin mo para laang makapagpalaway.


Lasa ko'y ako'y nabati kanina. Hirol ang ulo ko ih! ...at wating wating ang aking tingin. Sinangyod ko na ang pang-luup ng pamangkin ko sa kanyang anak na nagliligalig, hindi pa rin naaalis.


Bukas na laang uli ako sisinsay, kabayan..

2 comments:

  1. Alay ikay humingi na laang ng laway, ipagay mo sa garapon para pag kailangay hindi na gatuong habol sa magweweting... he he he

    ReplyDelete
  2. salamat kabayang bongmac..kaka alibadbad yaan! nagpabuga na laang ng nganga dine kay ka punsyana sa likod bahay..natapalan ng papel na pambilot sa tabako na sinulatan ng bulong na Latin at nilahiran ng dagta ng chiko para kumapol, ay anupa..hindi gaga laway yaan.

    ReplyDelete