Tuesday, October 27, 2009

Bago pa laang

Kagagawa ko pa laang ng blog na ito..bago pa laang. Wag muna naman kayong mamumula at are nama'y testing pa laang. Pasasaan gat are'y mamumutaktakan ko rin kung papaano. Ay ano gang gagaw-in ay sa ngay-on na laang uli nga nakaranas mag butiltil naring laptop e. Ito nga't banung bano pa.

Titingnan ko munang maige kung paano ga nga nagbablog. Bat ga parang kagagaling nung iba. Parang pang matalino yata itong blog na ganito e. Ay ako nama'y magaling laang yatang mag saulo nung kailan kaya na onor,hehe..at saka laging nagbibitbit ng bag ng titser..hehe.

Gusto ko laang talaga ngang magsulat. Kahirap pang ingles at hindi naman maintindihan ng iba..kahirap din naman ng Filipino at ako naman ang hindi gasinong maka intindi..hehe..kala mo nama'y amerkana..syempre jowk yan. Pero sa tunay, talagang mas mahirap sulatin ang tagalog kaysa ingles..kahirap ga nung mga terminong ginagamit pag Tagalog/Filipion. Yung mga gaya nito -

"Payak, napakapayak lamang ng aming mga mithiin. Maliban sa di-makasasama, ang aming programa ay simple lamang: ang lupigin ang lahat ng reaksiyon, hadlangan ang mga paurong na hakbang, purihin at tanggapin ang lahat ng malayang kaisipan; sa madaling sabi, ang maging propagandista higit sa lahat ng demokrasya upang ito ang maghari sa lahat ng bansa dito at sa ibayong dagat." .... Sa pagkahinog ng kamalayan ng ating mga bayani sa mga kaisipang pulitikal at pandigma, at sa patuloy na paniniil ng mga Kastila, naging isang pangyayaring 'di na maaaring iwasan ang pagsambulat ng Himagsikan matapos barilin sa Bagumbayan si Rizal.",

...
ay naku, kanga naman ng mga bata'y "nosebleed". Ay saan naman ako huhugot ng mga terminong gagamitin ko sa pagsusulat na ganito?

Magaling na nga laang at may garineng Batanguenio bloggers,hehe..kagaling e.

Ay, sya.., baka naman sa susunod ay may tema na ang blog ko. Makatulog muna't mapupuyat na naman ng husto'y wala namang patay.

Saka na muna uli. :D