Wednesday, February 29, 2012

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!

Mga kabayang nasa abroad, baka kayo'y mamaas-maas at hindi pa ninyo alam ang 'in' ngay-ong araw na ito. Ito nama'y walang kuneksyon sa tema ng blog ko pero,datapwat,subalit ako laa'y talagang hindi maka-agwantang hindi ito babanggitin. 


Kanya laang ay baka naman ako'y masakure ng aking guro na magbabasa nito ay di kayo na laang ang magbasa ng inyo, are na laang ang link, yan nama'y pipindutin na laang ninyo:


http://ph.news.yahoo.com/court-drama--prosecution-s-aguirre-cited-in-contempt-for--disrespect-.html 


O di ga? Sabi nga ng slogan ng tourism ngay-on: "It's more fun in the Philippines!".  Ay uu nga!


Ang masasabi ko na laang sa mga magagaling na yaan, "Ay di kayo na nga!!! ..Kayo na!!"


Pagkakahihigpit din nga kaliligalig ng mga tao. Ayaw bagang umayos lahat at nang matapos na yaang impeachment na yaan. Wala nang mapanuod na iba ih! Para nayaang si Ka Igil ih, nakakagigil!


Basta ang sumatutal, ang words for the day dito sa Pilipinas ngay-ong araw na ito ay:


"Waaah!"  at "gago".


Sa mga hindi alam ang ibig sabihin niyan ay ito ang aking pagkakaintindi diyan:


"Waah!"  - yan ay hindi salita, yan ay isang expression..kumbaga sa atin,kung tayo'y bagong luwas pa laang sa kabayanan at nakita nating ang hagdanan sa SM ay naibong paibaba at paitaas, ano gang masasabi agad natin sa ating sarili: "Ala!!!?"  yan, ay expression natin sa kung anu-anong nakikita natin na nakakamangha,o bago sa ating paningin, at tayo'y nahanga o nabaguhan. 


Ang "Ala!!!?" ay iba pa sa "Ala!" , ang "Ala!" ay isang salita na ang ibig sabihin ay ayaw mo. Malimit itong gamitin pag inuutusan ka at ayaw mong maabala sa ginagawa mo,sasabihin mo "Ala!" .


Iba pa diyan ang "Ala".   Yan naman ay pandagdag na panimula laang natin sa kahit na anong gusto nating sabihin, halimbawa'y bihis kang dadaan sa kalehon, lahaaaaaaaaaaaat ng dadaanan mong kapitbahay ay tatanungin ka kung ika'y pasaan. Ang marani mong sagot "Ala,pabayan laang at bibiling pang-ulam", sa halip na "Pabayan laang at bibiling pang-ulam".


Ang "Waah!" ay parang "Ala!!!?" kanya laang ang "Waah!" ay hindi sinasabi pag  nababaguhan o namamangha ka. Yan ay sinasabi mo sa sarili mo pag ika'y banaaaaaaaaas na banas na sa kaulagaan ng kausap mo. 


Ang sabi ng Senadora Miriam, irecord daw ng senate secretariat sa transcript ng impeachment na sinabi niyang "Waah!"  para sa mga abugado ng prosecution. (Mantakin mong ipasulat pa talaga)


Ayos laang naman kay Senador Sotto,ang tanong daw laang ni Senador Osmena kay Miriam ay kung anong spelling ng "Waah!".


Kung ika'y ga'y kagaya kong nakakapanuod ng trial,  kahit ka Batangueno ay hindi "Ala!!!?" ang maiibulalas mo ih, ika'y mapapa- "Waaaaaaaaaaaaaaah!!!"


Ang isa pang word for the day ay 'gago'.


Sa atin sa Batangas ang pinakamalapit na ibig sabihin niyan ay usbaw. 


Ang sabi ni Senadora sa mga abugado ng prosecution "Ang yayabang nyo, gago naman!"


Yan..., diyan ka na mapapa - "Ala!!!?"


Ang prosecution naman, nakiusap na kung maaari daw ay burahin sa transcript ng trial ang salitang "G-A-G-O" na sinabi ni Miriam. Hindi yata sanay umimik ng gago yung abugado kaya ang ginawa ay di ini-spell na laang nga naman.


(Magaling na laang at hindi nagtanong si Senador Osmena kung malaking titik lahat o maliit na titik lahat)


Anugang lalahuga ng mga ito!! Hindi na mga marunong magpasintabi ay may nakakapanuod namang iba'y nakakahiya na din naman! 
Ay hindi bale kung tayu-tayo laang at kataasa'y huwag iboto sa sunod na eleksyon ang mga nakakasulak ng dugo.


Di ga?


(Bukas ko na laang itutuloy ang kay Al Gore ha?...)































2 comments:

  1. Ala!!!? ano ga ngang sasamlang ng mga iya't naturingang mga Deputado ay gay ang mga asta. Ang alibadbad ko ng aking mapanuod ah, tunay nga Ka Osang na kainaman na ang mga are, mga di na marunong mahiya. Dapat diya'y nagagarute lahat at ng magtanda. akoy may handa ng hinagot na tangkay ng kampupot handa ko sa mga iyan.

    ReplyDelete
  2. Ay tama ka dya-an Mamay Ido..kakasulasok ng dugo..ay kulang yaang tangkay ng kampupot sa mga yaan, ang dapat diyan ay hambalos na ng palapass ng niyog, yung sariwa pa na kasasalpak laang. Salamat sa pagsinsay,kabayan!

    ReplyDelete