Sunday, February 26, 2012

Mahal ko na si Al Gore!!!!!

Ay tingnan mo nga naman ang buhay..parang life laang talaga...akalain mong mahal ko na agad si Al Gore ay napanood ko laang naman ang kanyang documentary film na ang pamagat ay 'An Inconvenient Truth'..(aayaw-ayaw ko pa ngang manood,napilitan laang gawa ng aming guro)..

Paano ka ga naman hindi tatamadin manood ay si Al Gore ang bida, hindi naman artista si Al Gore! kako'y anu namang kamalayan nuong umarteng si Al Gore na yuon..ang alam ko'y yun ang natalo ni Bush sa pagkapangulo sa America. Ay anu naman yuon, natalo laang ay nag artista na?

So, yun na nga,napanood ko at ako'y napatulala na laang mula sa simula hanggang sa matapos ang sine..lasa ko nama'y ako'y nagimbal ni Al Gore...

Sabi daw ni Al Gore ay nanganganib na ang ating planeta. Bakit kan'yo?

Ito nga ang aking tatalakin dito sa blog ko. Yaman din laang naman na ako'y matagal nang nag iisip kung anong iba-blog, (wag laang di nga makapag blog!)
napagmunimuni kong ito na laang mga sinabi ni Al Gore ang aking pag iinitan dine. Basta't aking isusulat lahat ng sinabi ni Al Gore! Bahala kayo kung aayaw kayong maniwala pero ang sa ganang akin ay bakit hindi nga natin uriratin ang nang ating mapagtanto kung ano nga ang talagang lagay ng ating planeta.

Ika nga sa kanta ni pareng Noel Cabangon, 'Naulan sa Tag-init,Na-init sa Tag-ulan'..(panuorin mo na laang sa http://youtu.be/aTDJkWQ2fkE )

O, ay di ga nga naman??? Ay anu ga nga ang paliwanag mo doon? Pag hindi La Nina ay El Nino ang pinaghahandaan. Anu ga daw? Wala namang ganyan nung unang panahon na bata pa si Sabel, ikanga ng matatanda. Kahit itanong mo pa sa nanay at mamay mo.

Hay,naku..nakakapabuntong hininga.

Maraming sinabi si Al Gore pero and suma-tutal ay ganito:

1. Painiiiiit na nang painiiiiiiiiiit ang ating daigdig, (pero ito'y hindi dahil nalapit ang araw sa atin o dahil tayo'y nalapit sa araw ha?) ang tawag daw sabi ay 'climate change' (di ko na i-ta-translate ha? baka ako'y magkamali pa)
2. Lahat ng bansa,lalu't higit ang Amerika ay may malaking magagawa para maremedyuhan ang problemang ito sa climate change. (Mantakin mo ga nga namang marating nila ang buwan?!, di ga'y sila na nga ang napakahusay!)

3. Lahat ng tao ay dapat makialam sa problemang ito dahil ito'y kakaiba sa lahat nang problemang nakita ng sandaigdigan mula't mula pa.

4. Dahil sa science, maswerte tayo na kaya nating makita ang kinabukasan ng ating daigdig pa para bagang may bolang kristal na kung saan ay kita na natin ang mangyayari sa dadating na panahon. At dahil dito, tayo'y obligado na kumilos para makatulong,kahit na anong klaseng tulong para hindi mapariwara ang ating nag iisang tirahan, ang planetang Earth.

5.Lahat ng tao: bulag,pipi,bingi,matanda,bata, babaysot,lalaksot, pandak,matangkad, mapusyaw o maitim, matalino,mapurol, kahit na sino (kahit kalbo!), ay may magagawang tulong para malutas ang problema ng climate change.

Maraaaaaming sinabi si Al Gore,kaya laa'y ingles nga. (Ay di medyo pahirapan sa pag translate)

Gayunpaman ay gagaw-in ko ang lahat ng aking makakaya..uubusin ko ang aking lakas at iigahin ang aking utak para laang maipaliwanag kung anu ga nga itong climate change na ito.

Ako nga laang ay subrang inaantok na dahil alas dos na din naman ng umaga..mayamaya pa'y gising na ang tandang ng Kaka dine sa likuran ng aming bahay ay ako'y di pa man laang nahipig.

Bukas na laang ang iba ha? Pramis, kalamismis! =)









2 comments:

  1. Talagang paiinit ng painit kung tag-init at baha naman kung tag-ulan. Mapa El Nino (Muhlach) o El Nina (Noche) ang resulta ay pareho lang. May namamatay, at marami ha.

    Minsan nga nahihilaw na din ang paniwala ko sa Global Warming Phenomenon kasi summer time na pero ang dami pa ring namamatay sa Europe due to hypothermia.

    Hindi kaya ito'y "pagbabawas na ng dami o condemnation" baga?

    ReplyDelete
  2. Ala naman kabayang doyski, nakakapamalukag naman yaang iyong iyan lalu ih..mas nakakapangurag yaang di hamak kaysa sa climate change. ..ay santa anang malalapad ang dahon ika nga ng umpeng Haneng,sumalangit nawa ang kaluluwa niya, hari nga'y ika'y nagkakawikaan laang naman. =(

    ReplyDelete